Anthony isinalpak ang game-winning triple

Dumidiskarte si Anthony Edwards ng Timberwolves laban kay Fil-Am Jalen Green ng Rockets.

HOUSTON — Kumonekta si Anthony Edwards ng isang step-back three-point shot sa huling 23 segundo ng laro para gabayan ang Minnesota Tim­­­berwolves sa 113-112 pag­lusot sa Rockets.

Tumapos si Edwards na may 24 points para sa Minnesota (16-14), habang may 27 markers si Julius Randle.

Humakot si Alperen Sengun ng season-high 38 points bukod sa 12 re­bounds para sa Houston (21-10) na nagtapos ang four-game winning streak.

Inilista ng Rockets ang isang 12-point lead sa fourth period bago maghulog ang Timberwolves ng isang 10-0 bomba tampok ang 3-point play ni Edwards para sa ka­nilang 110-108 bentahe sa huling 1:30 mi­nuto.

Ang free throw ni Se­ngun ang nagbigay sa Houston ng 112-110 abante ka­sunod ang tres ni Edwards para sa 113-112 ka­la­mangan ng Minnesota.

Bigo si Fred VanVleet sa kanyang 3-point attempt sa huling posesyon ng Rockets.

Sa Denver, naglista si Donovan Mitchell ng 33 points sa 149-133 pagtusok ng Cleveland Cavaliers (27-4) sa Nuggets (16-13).

Sa Boston, nagpasabog si Jaylen Brown ng season-high 44 points, kasama ang anim na tres sa 142-105 pag­­masaker ng nagdedepensang Celtics (23-8) kontra sa In­diana Pacers (15-7).

Sa New Orleans, tumipa si Jaren Jackson Jr. ng 33 points sa 132-124 pagkagat ng Memphis Grizzlies (22-10) sa Pelicans (5-27).

Sa Orlando, naglista si Jalen Brunson ng 26 points at may 23 markers si Josh Hart sa 108-85 paggupo ng New York Knicks (21-10) sa Magic (19-14).

Show comments