One more chance?

May twist or may spin pa ang kuwento ni John Amores, ang suspendidong PBA player ng NorthPort.

Ayon sa isang ulat, may chance pa na ma-recover ni Amores ang professional license niya na na-revoke ng Games and Amusement Board.

‘Yan eh kung malulusutan niya ang kasong at­temp­ted homicide dulot ng shooting incident sa isang pick-up game sa Laguna last September.

Ayon sa police report, namaril si Amores kasama ang kapatid niya. Walang nasaktan kaya mas malaki ang chance na magkaroon sila ng off-court settlement.

In short, maglalabas si Amores ng pera para ma-drop ang kaso. At siguradong mas malaking amount kesa sa P4,000 na pusta sa nasabing game.

Then, puwede siyang mag-apply ulit ng license sa GAB gaya ng ginawa ni Calvin Abueva na nasuspinde ng PBA ng 16 months at binawian ng GAB license no­ong 2019.

Pero nakabalik ang “The Beast” na ilang beses ding nasangkot sa mga issues sa PBA. Kaya lang, ne­ver namaril si Abueva.

‘Yan ang kaibahan nila ni Amores. Malayo ang nanuntok sa namaril.

Actually, kumbaga sa baseball, strike out na si Amores. Strike 1 nu’ng nanuntok siya sa isang pre-season game laban sa UP at Strike 2 nu’ng nag-amok siya sa isang NCAA game. Strike 3 ‘yung barilan sa Laguna.

Huwag na nating hintayin ang Strike 4.

Show comments