Cagulangan excited na sumabak sa KBL

MANILA, Philippines — Excited na si JD Cagulangan na makapaglaro sa Korean Basketball League (KBL) kung saan makakalaban nito ang ilan sa mga Pinoy players na import din doon.

Pumirma na ng kontrata si Cagulangan sa Suwon KT Sonicboom kamakailan kung saan umaasa itong makakatulong ito sa kanyang bagong team.

Sariwa pa si Cagula­ngan sa matamis na kampeonato sa UAAP Season 87 kasama ang UP Figh­ting Maroons.

Sa KBL, makakasa­lamuha nito ang ilang former UP players na sina Juan Gomez de Liaño, Javi Gomez de Liaño at Carl Tamayo.

“I’m very happy because the caliber of those players are high and they play for Gilas so I’m happy to play abroad and get the chance to face them,” ani Cagulangan.

Naglalaro si Juan para sa Seoul SK Knights habang nasa Anyang Red Boosters naman si Javi. Si Tamayo naman ay nasa Changwon.

 “I’m happy I get to share the court with them and of course, especially the Fighting Maroons there in Juan, Javi, and of course my best friend Carl,” ani Cagulangan.

Maliban sa tatlong da­ting UP standouts, makakalaban na rin ni Cagulangan sa KBL si two-time UAAP MVP Kevin Quiambao ng De La Salle University.

Hinugot si Quimbao ng Goyang Gono Skygunners.

Show comments