End of the road.
‘Yan ang hinaharap ngayon ni John Amores na kaliwat kanan ang gulong pinasok sa loob at labas ng basketball court.
Naghain na ng desisyon ang Games and Amusement Board laban sa 25 anyos na player na sangkot sa isang shooting incident sa Lumban, Laguna last September.
Ayon sa ulat, nagkainitan sa isang unofficial game na may pustang P4,000 at humantong sa pamamaril. Kung si Amores man or ang kapatid niya ang namaril, sangkot sila.
Wala naman nasaktan pero nakasuhan ang dating Jose Rizal U player sa NCAA at NorthPort sa PBA ng frustrated homicide. Dahil dito, tinawag siyang “Shooting Guard” ng netizens.
Pero nag-decide na ang GAB, ang tagapangasiwa ng lahat ng professional sports sa bansa, na i-revoke ang license ni Amores.
Kumbaga sa tsuper, revoked ang LTO license niya. Dehins pwede pumasada ng jeep, taxi, bus or tricycle.
Siguro, sa mga inter-barangay, pwede siya maglaro. No GAB license required.
Wala pang lumabas na komento mula kay Amores na nung 2022 ay nagwala sa isang NCAA game at pinaulanan ng suntok ang mga St. Benilde players.
Na-ban siya sa NCAA pero nabigyan ng second chance sa PBA.
Last chance pala.
Anyway, Merry Christmas to all.