MANILA, Philippines — Magpapasiklab sina Ethan Alvano ng Wonju DB Promy at SJ Belangel ng Daegu KOGAS Pegasus bilang natatanging Filipino imports sa 2024-2025 Korean Basketball League (KBL) All-Star Game.
Napili ang dalawa na sumali ng mag-botohan ang players at fans ng Top 20 players para sa mid-season spectacle sa Enero 19 sa Busan Sajik Gym sa South Korea.
Swak sa No. 9 si Alvano sa nalikom ng 37,900 na fan at 49 player votes habang nasa ika-14 naman si Belangel hawak ang 37,007 fan votes at 31 na player votes.
Namuno sa botohan ang Korea national team veteran na si Lee Kwan-Hee ng Changwon LG Sakers na nakakuha ng 80,987 fan at 55 player votes.
Parehong nagpapakitang-gilas sa KBL ang dalawang manlalaro lalo na ang Filipino-American ace na si Alvano na siyang nagwagi bilang kauna-unahang non-Korean Season MVP ng KBL noong nakaraang taon.
Kumakamada siya ng 15.6 points, 3.3 rebounds, 5.2 assists at 1.8 steals para sa Wonju bagama’t nasa ika-5 puwesto lamang ito hawak ang 9-10 kartada.
Nasa ika-3 ranggo naman ang Daegu bitbit ang 11-8 kartada sa pamumuno ni Belangel na may 13.4 points, 3.2 rebounds, 4.8 assists and 1.4 steals.
Samantala, dadami pa ang Pinoy players sa KBL upang samahan sina Alvano, Belangel, Tamayo at Javi Gomez de Liaño ng Anyang Jung Kwan Jang Red Boosters sa Goyang Sono Skygunners at Suwon KT Sonicboom, ayon sa pagkakasunod.
Kagagaling lang ng dalawa sa matinding duwelo sa UAAP tampok si Kevin Quiambao bilang Season MVP habang si JD Cagulangan bilang Finals MVP sa UAAP Season 87.