Night, night!
Tama ba ang nabasa ko na natalo ang Golden State Warriors ng 51 points sa Memphis Grizzlies nung Friday?
Tama. Believe it or not.
Dehins ko maimagine na pwede pala ito mangyari sa Warriors at kay Steve Kerr. Unbelievable.
Natalo sila sa road game, 114-93. Medyo nabawasan pa nga dahil 57 ang biggest lead ng Grizzlies. Isang three-pointer lang, umabot sana ng 60.
Mintis lahat ng pitong tira ni Kerr sa field, anim sa three-point line. Naka two free throws naman.
Maalat pa sa Rufina patis ang gabi ng Warriors na sumadsad sa kanilang ninth loss sa last 11 games. Maganda naman ang simula nila, 12-3, then biglang bagsak ang laro.
Sa NBA, 58 points ang biggest winning margin na ginawa ng Minneapolis Lakers (dehins pa Los Angeles) sa St. Louis Hawks (dehins pa Atlanta) nung 1956, 133-75. Ginawa din ito ng Denver Nuggest sa New Orleans Hornets, 121-63, nung 2009.
Sa PBA, 55 points ang record nung talunin ng U/Tex ang Great Taste, 154-99, nung 1980. May ilang 54 points kabilang ang 130-76 na panalo ng Bay Area kontra Terrafirma nung 2022.
Pero NBA? Kay Steve Kerr? Mas mahirap isipin eh. Mahilig pa naman siya mag muwestra ng good night para patahimikin ang mga kalaban.
Sa Memphis, siya ang na “night, night.”
- Latest