Kai sinuspinde ng Japan B.League

Kai Sotto
Facebook / Japan B.League

MANILA, Philippines — Pinatawan ng one-game suspension si Ko­shi­gaya Alphas slotman Kai Sotto sa Japan B.League.

Hindi nakapaglaro ang 7-foot-3 Pinoy cager sa huling laban ng Alphas kung saan lumasap ng kabiguan ang kanilang tropa sa Utsunomiya Brex sa Koshigaya City General Gymnasium.

Napatawan ng suspen­siyon si Sotto matapos itong ma-eject sa huling la­ban ng Alphas kontra sa San-En NeoPhoenix.

Nagkagirian si Sotto ang ang import ng San-En dahilan para mapatalsik ito sa laro.

Matapos ang suspensiyon ay agad namang ma­kababaik sa aksiyon si Sotto para tulungan ang Al­phas sa kampanya nito.

Kasalukuyang may 6-16 rekord ang Alphas.

Sa kabilang banda ay pa­nalo naman ang tropa ni Gilas Pilipinas standout AJ Edu na Nagasaki Vel­ca kontra sa Shimane Su­sanoo Magic sa iskor na 77-73 sa Happiness Arena.

Limitado ang laro ni Edu na nagkasya lamang sa tatlong puntos at tatlong rebounds sa naturang panalo.

Umangat sa 10-12 ang Nagasaki.

Maganda rin ang laro ni Matthew Wright na kumana ng 21 puntos para sa Kawasaki Brave Thunders.

Subalit hindi ito sapat para buhatin ang Thunders matapos lumasap ng 84-95 kabiguan sa kamay ng Nagoya Diamond Dolphins.

Nalugmok ang tropa ni Wright sa 4-18 marka sa ilalim ng standings.

Matikas din ang laro ni Dwight Ramos na tinulu­ngan ang Levanga Hokkai­do sa 78-60 panalo laban sa Ibaraki Robots para sa ikasiyam na panalo ng kanilang koponan.

Show comments