Creamline hindi maaaring magkumpiyansa sa PVL AFC

Alyssa Valdez

MANILA, Philippines — Hindi maaaring maging kampante ang Creamline sa pagdedepensa ng korona sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Mismong si Cool Sma­shers’ team captain Alyssa Valdez ang nakapansin sa paglakas ng iba pang ko­ponan.

“Honestly, everything has changed talaga. The competitiveness of each and everyone mas tumaas, mas nag-level up,” obserbasyon ni Valdez.

Sa pagpasok ng Christmas break ay nagposte ang Creamline ng mata­yog na 4-0 record, habang may 5-1 baraha ang Petro Gazz.

Taglay ng Cignal HD ang 4-1 kartada kasunod ang Chery Tiggo (4-2), PLDT (3-2), Akari (3-3), Cho­co Mucho (3-3), ZUS Coffee (2-3), Farm Fresh (2-3), Capital1 Solar Ener­gy (1-4), Galeries Tower (1-5) at Nxled (0-5).

Magbabalik ang PVL AFC sa Enero 18 tampok ang tatlong laro sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nagmula ang Cool Sma­shers sa pahirapang 25-22, 28-30, 26-24, 17-25, 15-13 pagtakas sa Thunderbelles noong Dis­yembre 12.

Sa nasabing panalo ay humataw si Valdez ng team-high 17 points.

“Hopefully, we bring that into next year. Mas maha­ba at sunud-sunod ‘yung games, and mas crucial din. Sana ma-sustain namin and maging responsive kami sa accountability to stay in that position,” wika ng 28-anyos na si Valdez.

Sasalang ang Creamline sa Enero 21 katapat ang Capital1 sa Philsports Arena para sa kanilang unang laro sa taogn 2025.

Show comments