^

PSN Palaro

Rondina, Davison nagparamdam sa PVL All-Filipino Conference

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Rondina, Davison nagparamdam sa PVL All-Filipino Conference
Sisi Rondina ng Choco Mucho
PVL image

MANILA, Philippines — Kaagad nagparamdam ng kanilang puwersa sina Sisi Rondina ng Choco Mucho at Fil-Canadian Savi Davison ng PLDT sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence.

Bumandera ang bubwit na si Rondina sa scoring department mula sa kanyang 134 points sa anim na laro ng Flying Titans (3-3).

Pumangalawa sa 5-foot-6 na si Rondina sa scoring si Fil-American Brooke Van Sickle na pumalo ng 131 points para sa Petro Gazz Angels (5-1).

Ang iba pang nasa Top 5 list ng mga scorers sa torneo ay sina Davison (119 points) para sa High Speed Hitters (3-2), Trisha Tubu (109 points) ng Farm Fresh Foxies (2-3) at Ivy Lacsina (95 points) ng Akari Chargers (3-3).

Hinirang namang top spiker si Davison sa kanyang 41.20% accuracy rate kasunod sina Tubu (40.40%), Erika Santos (38.64%) ng PLDT, Lacsina (38.63%) at Van Sickle (37.07%).

Si Gel Cayuna ng Cignal HD (4-1) ang top server sa kanyang malupit na 0.53 aces per set sa ibabaw nina Van Sickle (0.40 aces per set), Aby Maraño (0.40 aces per set) ng Chery Tiggo (4-2), rookie Julia Coronel (0.39 aces per set) ng Galeries Tower (1-5) at Fiola Ceballos (0.39 aces per set) ng PLDT.

Ang makulit na si Dawn Macandili-Catindig ng Cignal ang top digger sa kanyang 5.06 digs per set kasunod sina Alyssa Eroa (4.48 digs per set) ng Galeries Tower, Thang Ponce (4.27 digs per set) ng Choco Mucho, Kath Arado (4.00 digs per set) ng PLDT at rookie Roma Mae Doromal (3.84 digs per set) ng Capital1 Solar Energy (1-4).

Si Louie Romero ng Farm Fresh ang top setter sa kanyang 4.50 sets per set pangalawa si Kyle Neg­rito (4.47 sets per set) ng nagdedepensang Creamline (4-0) at pangatlo si Cayuna (4.35 sets per set).

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with