Cavite TOL Patriots sasabak sa WMPBL

Si Tagaytay Councilor Micko Tolentino (gitna, naka-cap), ang panganay na anak ni senador Francis ‘TOL’ Tolentino, ang magsisilbing general manager ng Cavite TOL Patriots.

MANILA, Philippines — Ipinakilala ni Senator Francis ‘TOL’ Tolentino ang partial lineup ng Cavite TOL Patriots na sasabak sa inaugural tournament ng Women’s Maharlika Pilipinas Basketball League (WMPBL).

Si coach Mandell Martirez, anak ni PBA legend Rosalio ‘Yoyong’ Martirez, ang gagabay sa Cavite TOL Patriots na pag-aari ni Tolentino.

Ayon sa Senador, ang pagbubukas ng mga oportunidad para sa mga atletang Pinay ay isang paraan ng pagbibigay sa kanila ng kapangyarihan at lubos na magpapalakas sa paglago ng sports ng kababaihan.

“Hindi tulad ng basketball ng mga lalaki, may mga limitadong pagkaka­taon para sa mga babaeng baller. Sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataong ito na maglaro sa isang pambansang liga ng propes­yunal ng kababaihan, binibigyan natin sila ng kapangyarihan, at kasa­bay nito, tinutulungan ang paglago ng basketball ng kababaihan sa bansa,” ani Tolentino.

Magbubukas ang WMPBL sa Enero ng susunod na taon.

Ilan sa mga maglalaro para sa Cavite TOL Patriots ay sina dating UP Lady Maroons member Erika May Jimenez at Bernice Paraiso ng La Salle Lady Archers.

Kakausapin ni Tagaytay Councilor at team manager Micko Tolentino ang pamunuan ng WMPBL para sa home games ng Cavite TOL Patriots sa Dasmariñas City at Tagaytay City.

“Mayroon kaming mga homegrown na manlalaro at gusto naming makita ang aming koponan na pinapasaya ng aming mga kababayan,” sabi ng anak ng Senador.

Show comments