Pinutakti ng injuries ang Meralco.
Kung 18-wheeler na truck, kalahati ang flat tire ni coach Luigi Trillo.
“Bugbog kami,” anya.
Anim na locals at dalawang imports kasama ang reserve ang nasa injured list nila. Eh mas marami pa halos ang coaches sa bench.
Last Thursday, walang nagawa ang Meralco kontra Blackwater. Pilay pero lumaban kahit walang import bago tumukod sa huli at natalo, 114-98.
Kumbaga sa gera, wounded in action sila Allein Maliksi, Chris Banchero, Raymond Almazan, Brandon Bates, Jolo Mendoza at CJ Cansino. Ganun din ang imports na si Akil Mitchell at DJ Kennedy.
Karamihan, starting five. Parang napeste.
Mabuti at pinanalo ng Meralco ang first three games nila bago nalagas ang players. At least, may puhunan habang hinihintay mabuo ang lineup.
Good timing din dahil sa Pasko pa ang next game ng Meralco kontra Converge. At tapos nun, may mahaba silang break bago labanan ang Eastern ng Hong Kong sa Jan. 5
By that time, siguro at sana naman ay naghilom na ang mga injuries. Di bale muna na dehins sila makasali sa practice. Ang importante, maka-recover sila.
At ‘wag nang madagdagan.