Cignal HD muling sosolohin ang liderato

Volleyball stock photo.
Unsplash

MANILA, Philippines — Ang muling pagsosolo sa liderato ang hangad ng Cignal HD sa pakikipag­tuos sa mainit ding Petro Gazz sa 2024-25 Premier Volleyball League All-Filipino Confe­rence.

Maghaharap ang HD Spi­­kers at Gazz Angels nga­­yong alas-6:30 ng gabi matapos ang bakbakan ng Chery Tiggo Crossovers at Galeries Tower Highrisers sa alas-4 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Kasosyo ng Cignal sa top spot ang nagdedepensang Creamline sa mag­ka­tulad nilang 4-0 record kasunod ang Petro Gazz (4-1).

Ito ang huling laro ng torneo sa pagtatapos ng ta­ong 2024.

Muling sasalang ang mga aksyon sa Enero 18 ng 2025 kung saan lalaba­nan ng Farm Fresh (2-3) ang Nxled (0-5) sa alas-1:30 ng hapon at haharapin ng Choco Mucho (3-3) ang ZUS Coffee (2-2) sa alas-4 ng hapon.

Sa alas-6 ng gabi ay magkikita ang PLDT Home Fibr (3-2) at Akari (3-3).

Nagmula ang HD Spi­kers sa 25-18, 25-22, 25-23 pagwalis sa Chameleons noong nakaraang Sabado sa Cebu City.

“I’m happy that I have this support here and it really pushes me to do even better kasi one way or another, I know that I ins­pire people and entertain them,” ani Vanie Gandler na humataw ng team-high 13 points mula sa siyam na attacks, tatlong blocks at isang service ace sa ka­­nilang ikaapat na sunod na panalo.

Muling makakatuwang ni Gandler sina Ces Moli­na, Roselyn Doria, Riri Me­neses, Dawn Macandili-Cantindig at Gel Cayuna.

Galing din sa panalo ang Gazz Angels matapos gibain ang High Speed Hitters, 12-25, 25-14, 25-22, 25-20, sa huli nilang laban.

Ito ang ikatlong dikit na pananalasa ng Petro Gazz matapos matalo sa Creamline.

“Petro Gazz is really a good team and we’re ho­­ping to finish strong this year so we will be able to reach our goal,” dagdag ni Gandler sa Gazz Angels.

Sa unang laro, puntirya naman ng Galeries Tower (1-4) ang ikalawang sunod na arangkada laban sa Chery Tiggo (3-2).

Tinapos ng Highrisers ang apat na dikit na kamalasan matapos kunin ang 26-24, 25-14, 25-23 panalo kontra sa Capital1 Solar Spikers (1-4) noong nakaarang Sabado.

Show comments