BOSTON — Kumolekta si Jayson Tatum ng 34 points at 10 rebounds para banderahan ang nagdedepensang Celtics sa 111-105 paggupo sa Milwaukee Bucks.
Diniskaril ng Boston (19-4) ang season debut ni Khris Middleton para sa Milwaukee (11-11).
Nagdagdag si Jaylen Brown ng 25 points para sa Celtics na nagsalpak ng 17 three-point shots para sa kanilang ika-10 panalo sa huling 11 laro.
Binanderahan ni Damian Lillard ang Bucks sa kanyang 31 points habang humakot si Giannis Antetokounmpo ng 30 points at 11 rebounds para sa kanyang pang-30 kaarawan.
Sa Atlanta, isinalpak ni Trae Young ang isang tres sa huling 7.4 segundo sa overtime sa 134-132 pagtakas ng Hawks (13-11) sa Los Angeles Lakers (12-11).
Sa Philadelphia, bumanat si Paul George ng 21 points sa 102-94 pagdaig ng 76ers (6-15) sa Orlando Magic (16-9).
Sa San Antonio, umiskor si DeMar DeRozan ng 23 points sa 140-113 paggiba ng Sacramento Kings (11-13).