Eto ang tunay na ligang labas para kay Kevin Quiambao.
Dehins Laguna, dehins Quezon o kaya eh Pampanga at Bulacan.
Talagang lalabas si KQ dahil kasado na ang paglipat niya sa Goyang Sono ng Korean Basketball League.
Tatapusin na lang ni KQ ang UAAP season kung saan hangad ng reigning MVP na ipanalo ang back-to-back titles para sa La Salle.
At immediately, sasakay siya ng eroplano palipad sa South Korea.
Baka nga dehins na mag-empake. Dahil sa laki ng offer or sahod niya sa KBL, dun na lang siya bumili ng lahat ng kailangan niya.
Mantakin mo, $275,000 sa first year at $375,000 sa second year ang kontrata niya. Sa Philippine peso, P37 million in two years ang sasahurin niya.
Eh kahit bahay kaya niya bumili sa Korea. In short, halos P1.5 million a month ang kikitain ni KQ.
Kaya siguradong motivated si KQ na ipanalo ang UAAP title para sa La Salle. Kumbaga, farewell performance.
Then batsi papunta Korea. Baka two years, three years or even more.
Ewan ko kung may farewell game pa siya sa ligang labas dito.