Top spot puntirya ng Cignal HD kontra sa Nxled

Vanie Gandler of Cignal.
PVL Media Bureau

MANILA, Philippines — Dadalhin ang aksyon ng 2024-2025 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Cebu.

Magtutuos ang Cignal HD at Nxled ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang upakan ng Capital1 Solar Energy at Gale­ries Tower sa alas-6:30 ng gabi sa Minglanilla Sports Com-plex.

Target ng HD Spikers ang kanilang ikaapat na sunod na panalo para ma-solo ang liderato, habang ang unang panalo ang ha­ngad ng Chameleons sa pang-limang laro.

Muling sasandal ang Cig­nal kina , Ces Molina, Jackie Acuña, Gel Cayuna at Dawn Ca­tindig, habang babandera para sa Nxled sina Chiara Per­mentilla, Lycha Ebon, Krich Macaslang, Lucille Al­monte at May Luna.

Huling biniktima ng HD Spikers ang Choco Mucho Flying Titans, 25-18, 25-18, 20-25, 25-22.

“Malaking bagay ito sa amin, kasi tulad ng sabi ninyo na isa sila (Choco Mu­cho) sa mga matibay na team. And 100% sure na ma­kakatulong sa amin ito sa next games pa namin,” wika ni Cayuna.

Bigo naman ang Chameleons sa Solar Spikers, 25-21, 21-25, 15-25, 18-25, sa huli nilang laban.

Sa ikalawang laro, puntirya ng Solar Spikers ang ikalawang sunod na panalo sa pagharap sa kulelat na Galeries Tower.

Pumalo ang Capital1 ng 21-25, 25-21, 25-15, 25-18 panalo sa Nxled tampok ang 21 points ni Heather Guino-o.

“Mas kailangan pa po na­ming mas maging con­sis­tent sa ginagalaw namin sa loob ng court and mas kalangan pa po namin ipa­kita ‘yung tapang namin sa loob ng court,” sabi ni Guino-o.

Show comments