Valdez hinuhugutan ng Creamline
MANILA, Philippines — Ang presensiya pa lang ni team captain Alyssa Valdez ay malaking tulong na para sa kampanya ng Creamline sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.
Ito ang inihayag ni Cool Smashers head coach Sherwin Meneses kung saan malaki ang ambag ni Valdez sa kaniyang tropa — sa loob man o labas ng court.
Sa katunayan, makapasok lamang ito sa court ay napakalaking tulong na para sa kanilang team.
Malalim na ang karanasan ni Valdez kaya’t isa ito sa nagiging inspirasyon at tumatayong lider sa kanilang tropa.
“Kahit presence niya lang inside the court malaki ang nagagawa nun sa teammates niya,” wika ni Meneses kay Valdez.
Kaya naman hindi mawawala ang respeto sa tinaguriang phenom ng Philippine volleyball.
Maganda ang itinatakbo ng laro ng Cool Smashers sa kumperensiyang ito.
- Latest