Miami Heat minasaker ang L.A. Lakers

Sinugod ni Miami Heat guard Jimmy Butler ang de­pensa ni Anthony Davis ng Los Angeles Lakers.
STAR/File

MIAMI — Iniskor ni Tyler Herro ang 21 sa kanyang 31 points sa third period para tulungan ang Heat sa 134-93 pagdomina kay LeBron James at sa Los Angeles Lakers.

Kumonekta rin si Herro ng siyam sa franchise record-equalling 24 three-point shots ng Miami (10-10).

Nagdagdag si star guard Jimmy Butler ng 17 points, samanta­lang kumolekta si center Bam Adebayo ng 14 points, 10 rebounds at 7 assists para sa home team na nagtala ng franchise record 42 assists.

Ito naman ang pinakamalaking pagkatalo ng Los An­­geles (12-10) ngayong season matapos ang 29-point loss sa Minnesota Timberwolves noong Lunes.

Tumapos si James na may team-high 29 points para sa Lakers na nahulog sa isang 17-point deficit sa halftime.

Nagsalpak si Herro ng pitong triples sa third quarter para tuluyan nang makalayo ang Heat.

Sa Boston, naglista si Jaylen Brown ng 28 points at may 26 markers si Kristaps Porzingis sa 130-120 pag­­papabagsak ng nagdedepensang Celtics (18-4) kontra sa Detroit Pistons (9-15).

Sa California, nagtala si star forward Julius Randle ng 20 points at may 16 markers si Anthony Edwards sa 108-80 pag­pulutan ng Timberwolves (11-10) sa Los An­geles Clippers (14-10).

Sa Milwaukee, humakot si Jalen Johnson ng 23 points at 13 rebounds at dinagit ng Atlanta Hawks (12-11) ang 119-104 panalo kontra sa Bucks (11-10).

Sa Philadelphia, nagpasabog si Franz Wagner ng 35 points, habang may 17 markers si Jalen Suggs sa 106-102 pagtakas ng Orlando Magic (16-8) sa 76ers (5-15).

Show comments