Foxies pinigilan ang Thunderbelles

Lusot ang hataw ni Caitlyn Viray ng Farm Fresh kay Cloanne Mondonedo ng ZUS Coffee.
PVL photo

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagdiretso ng Farm Fresh sa kanilang ikalawang dikit na panalo ay ang pagpigil sa arangkada ng ZUS Coffee.

Bumanat si Trisha Tubu ng ng 28 points mula sa 27 attacks at isang block para igiya ang Foxies sa 26-24, 13-25, 25-21, 25-19 pagda­ig sa Thunderbelles sa 2024-24 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagtabla sa 2-2 ang mga baraha ng Farm Fresh at ZUS Coffee.

Umiskor si Alyssa Bertolano ng 12 markers bukod sa 12 excellent digs at 12 excellent receptions para sa Foxies.

Pinamunuan ni No. 1 overall pick Thea Gagate ang Thunderbelles sa kanyang 16 points mula sa 12 attacks, tatlong blocks at isang service ace.

Nakatabla ang ZUS Coffee sa 1-1 bago inagaw ng Farm Fresh ang third set, 25-21, sa likod nina Tu­bu at Bertolano.

Nakadikit ang Thunder­belles sa 14-14 sa third frame, ngunit humataw ang Foxies ng 10-4 atake para kunin ang 24-18 bentahe.

Ang service error ni ro­okie middle blocker Shar­ya Ancheta ng ZUS Coffee ang nagresulta sa atake ni Tubu para sa pa­na­lo ng Farm Fresh.

Magtutungo ang PVL sa Cebu bukas tampok ang laban ng Cignal HD (3-0) at Nxled (0-4) sa alas-4 ng hapon at laro ng Capital1 Solar Energy (1-3) at Gale­ries Tower (0-4) sa alas-6:30 ng gabi sa Minglanilla Sports Complex.

Show comments