Puerto Princesa City, Philippines — Kumolekta ang Team Philippines A ng kabuuang 30 gold, 37 silver at 32 bronze medals para dominahin sa unang pagkakataon ang Brunei Darusalam, Indonesia, Malaysia, Philippines (BIMP-EAGA) Growth Area Friendship Games na ginanap sa Ramon V. Mitra Sports Complex dito.
Nalampasan ng Team Philippines A na binubuo ng Davao Region and kanilang dating pinakamataas na 12 gold simula noong 1996 inaugural.
Umukit rin ang Davao athletes ng 16 silvers at 17 bronzes.
Pumapangalawa ang Malaysia-B sa nahakot na 17 ginto, 16 pilak at 17 tansong medalya kasunod ang Indonesdia (14-8-5).
Ang Team Philippines-E na binubuo ng host Puerto Princesa City ay nagpasiklab din ng 13-8-11 para sa pang-apat na puwesto sa itaas ng Philippines-B (Gen. Santos City, 6-6-10), Malaysia A (2-3-2) at Philippines D (1-2-1).