Brown, Pritchard bumida sa Celtics

Jaylen Brown of the Boston Celtics attempts a basket against the Miami Heat during the third quarter at the TD Garden on December 02, 2024 in Boston, Massachusetts.
Brian Fluharty / Getty Images / AFP

BOSTON — Humataw si Jaylen Brown ng 29 points habang may 25 markers si Payton Pritchard sa 108-98 pagpapatumba ng nagdedepensang Cel­tics sa Miami Heat.

Nagdagdag si Derrick White ng 18 points at may 19 markers si Jayson Tatum para sa pagbangon ng Boston (17-4) mula sa naunang 111-115 pagkatalo sa Cleveland Cavaliers.

Kumonekta sina Pritchard at White ng tig-limang three-point shots sa kabuuang 19 triples ng defending champions.

Binanderahan nina Tyler Herro at Jaime Jaquez Jr. ang Miami (9-10) sa kanilang tig-19 points.

Sa Minneapolis,umiskor si Julius Randle ng 18 points at humakot si center Rudy Gobert ng 17 points at 12 rebounds para ihatid ang Minnesota Timberwolves (10-10) sa 109-80 paggupo sa Los Angeles Lakers (12-9).

Sa Chicago, kumolekta si Josh Giddey ng triple-double na 20 points, 13 rebounds at 11 assists para pamunuan ang Bulls (9-13) sa 128-102 pagsuwag sa Brooklyn Nets (9-13).

Sa Atlanta, naglista si Trae Young ng 12 points at 15 assists para sa kanyang ika-15 double-double sa season at dinagit ng Hawks (11-11) ang 124-112 panalo kontra sa New Orleans Pelicans (4-18) para sa kanilang ikaapat na sunod na ratsada.

Show comments