^

PSN Palaro

Top Athletes kikilalanin sa PSA Awards Night

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Top Athletes kikilalanin sa PSA Awards Night
Caloy Yulo

MANILA, Philippines — Maningning ang kampanya ng Team Philippines sa nakalipas na taon par­tikular na sa 2024 Paris Olympics kung saan nag-uwi ang mga Pinoy athletes ng dalawang ginto at dalawang tansong medalya.

Kaya naman kikilalanin ang husay at galing ng mga Pilipinong atleta sa Phi­lippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night sa Enero 27 sa Manila Hotel.

Hindi malilimutan ang tagumpay ni gymnast Car­los Edriel Yulo na kumana ng dalawang gintong me­dalya sa Paris Olympics kung saan naghari ito sa men’s floor exercise at men’s vault.

Ito ang pinakama­ta­gumpay na kampanya ng Pilipinas sa Olympic Games upang maging ma­garbo ang ika-100 taon ng partisipasyon ng bansa sa naturang quadrennial meet.

Nauna nang nagbigay ng gintong medalya si weightlifter Hidilyn Diaz noong 2020 Tokyo Games sa Japan.

Maliban sa dalawang ginto ni Yulo ay nagbulsa rin ng tig-isang tansong me­dalya sina female bo­xers Nesthy Petecio at Aira Villegas.

Pangungunahan nina Yulo, Petecio at Villegas ang mga gagawaran ng pa­rangal sa PSA Awards Night kung saan kikilalanin ang Athlete of the Year.

Bahagi rin ng programa ang pagluklok ng isa na na­mang atleta sa PSA Hall of Fame.

Pinakahuling naisama sa Hall of Fame si track and field legend Lydia De Vega.

Kikilalalnin din ang mga Pinoy Olympians na nag­par­tisipa sa mga nakalipas na edisyon ng Olympic Games.

Muling igagawad ang Exe­cutive of the Year, National Sports Association (NSA) of the Year, President’s Award, Mr. Basketball at Ms. Volleyball.

Bibigyan din ng major awards ang ilang grupo at personalidad gayundin ng citations, Tony Siddayao Awards at Milo Awards pa­ra sa mga junior athletes.

Bibigyang pugay din ang mga namayapang sports personalities sa na­ka­lipas na taon.

Ang PSA ay kasaluku­yang pinamumunuan ni Philippine Star Sports Editor Nelson Beltran.

CAR­LOS YULO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with