^

PSN Palaro

PLDT aangat sa team standings; 3rd win asam ng Creamline

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang pagsosolo sa lide­rato ang misyon ng PLDT Home Fibr, habang ang ikatlong sunod na panalo ang target ng nagdedepen­sang Creamline sa 2024-24 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Con­­ference.

Lalabanan ng High Speed Hitters ang Chery Tiggo Crossovers ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang pakikipagkita ng Cool Smashers sa Choco Mucho Flying Titans sa alas-6:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Magkasosyo sa itaas ng team standings ang PLDT at Cignal sa magka­tulad nilang 3-0 record kasunod ang Creamline (2-0), ZUS Coffee (2-1), Petro Gazz (2-1), Chery Tiggo (2-1), Choco Mucho (2-2), Aka­ri (2-2), Farm Fresh (1-2), Capital1 (1-3), Nxled (0-4) at Galeries Tower (0-4).

Umiskor ang High Speed Hitters ng 25-17, 25-20, 25-17 panalo kontra sa So­lar Spikers, habang hi­na­taw ng Crossovers ang Chameleons, 26-24, 25-15, 25-18, sa kanilang mga huling laro.

“Bonus na lang na nagi­ging easy wins pero dagdag na lang talaga na may momentum kami going to those hard games,” ani PLDT coach Rald Ricafort sa kanilang mga panalo sa Nxled, Galeries Tower at Capital1.

Muling sasandal si Ri­cafort kina Fil-Canadian Savi Davison, Fiola Cebal­los, Mika Reyes, Kath Ara­do at Dell Palomata ka­tapat sina Cess Robles, Ara Galang Aby Maraño, Mary Rhose Dapol, Pauline Gaston at Alina Bicar ng Che­ry Tiggo.

Samantala, puntirya ng Cool Smashers ang ikatlong dikit na ratsada sa pagsagupa sa Flying Ti­tans.

Nauna nang tinalo ng Creamline ang Choco Mu­cho sa nakaraang All-filipino Con­ference Finals para sa kanilang pang-walong PVL crown.

Nagmula ang Cool Sma­shers sa 26-24, 25-17, 25-16 pagwalis sa Akari Chargers tampok ang pagbabalik ni three-time MVP Tots Carlos sa huli nilang laban noong Nobyembre 23.

Yumukod ang Flying Titans sa HD Spikers, 18-25, 18-25, 25-20, 22-25.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with