Lakers diniskaril ng Thunder sa NBA Cup quarterfinals

Hawks top Cavs again to advance in NBA Cup, Boston beat Bulls ATLANTA, GEORGIA - NOVEMBER 29: De'Andre Hunter #12 of the Atlanta Hawks reacts after a three-point basket against the Cleveland Cavaliers during the third quarter of the Emirates NBA Cup game at State Farm Arena on November 29, 2024 in Atlanta, Georgia. NOTE TO USER: User expressly acknowledges and agrees that, by downloading and/or using this photograph, user is consenting to the terms and conditions of the Getty Images License Agreement. Kevin C. Cox/Getty Images/AFP
Photo by Kevin C. Cox / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP

LOS ANGELES, Philippines —  Nagsalpak si Shai Gilgeous-Alexander ng 36 points, kasama ang 15 sa fourth quarter, para gabayan ang Oklahoma City Thunder sa 101-93 pagdaig sa Lakers sa isang NBA Cup game.

Nag-ambag si Jalen Williams ng 19 points para sa ikaapat na sunod na arangkada ng Oklahoma City (15-4).

Pinamunuan ni Dalton Knecht ang Los Angeles (11-8) sa kanyang 20 points kasama ang limang three-point shots habang may 17 markers si Angelo Russell.

Sa kanilang 2-2 marka ay bigo ang Lakers na makaabante sa quarterfinals matapos pagharian ang inaugural NBA Cup tournament noong nakaraang taon.

May magkakatulad na 2-1 record ang Thunder, Phoenix Suns at San Antonio Spurs sa West Group B.

Sa Minneapolis, tumipa si Anthony Edwards ng 21 points sa 93-92 paglusot ng Minnesota Timberwolves (9-10) sa LA Clippers (12-9).

Sa Chicago, nagposte si Jayson Tatum ng 35 points at 14 rebounds para akayin ang nadedepensang Boston Celtics (16-3) sa 138-129 paggupo sa Bulls (8-13) sa NBA Cup pool game.

Sa Indianapolis, kumolekta si Cade Cunningham ng 24 points at 11 rebounds sa 130-106 pagbugbog ng Detroit Pistons (9-12) sa Indiana Pacers (9-11).

Sa Miami, umiskor si Jimmy Butler ng 26 points at may 23 markers si Tyler Herro sa 121-111 pagtusta ng Heat (9-8) sa Toronto Raptors (5-15).

Show comments