MANILA, Philippines — May bago na namang Filipino-American sa NBA.
Ito ay sa ngalan ni rookie Jared McCain na bahagi ng Philadelphia 76ers.
Mismong si McCain ang nagkumpirma na may dugong Pinoy ito sa isang live streaming.
Ayon kay McCain, may 10 porsiyento itong Pilipino.
“Shout out to my Asian community. I’m probably like 10% Filipino, but that counts,” ayon kay McCain sa kanyang video.
Hawak ni McCain ag averages na 16.5 points, 2.4 rebounds at 2.7 assists kada laro para sa 76ers.
Dahil dito, si McCain ang ikatlong Filipino-American na aktibong naglalaro sa NBA.
Nangunguna na sa listahan si Jordan Clarkson na naglalaro para sa Utah Jazz.
Makailang ulit nang naging bahagi ng Gilas Pilipinas si Clarkson.
Huli itong nasilayan sa aksyon suot ang Gilas Pilipinas jersey sa FIBA World Cup na ginanap sa Pilipinas noong nakaraang taon.
Naging bahagi na rin si Clarkson ng Gilas sa ilang FIBA events gayundin sa 2018 Asian Games na ginanap sa Jakarta, Indonesia.
Isa pang may dugong Pinoy si Jalen Green ng Houston Rockets na makailang ulit na rin nakabisita sa Pilipinas para sa ilang events.