5th gold nilangoy ni Taguinota sa Batang Pinoy

PUERTO PRINCESA, Philippines — Sinisid ni Arvin Naeem Taguinota II ng Pasig City ang kanyang pang-limang gold medal, habang inilista ni Albert Jose Amaro II ng Naga City ang ikalawang bagong record sa swimming event ng 16th Batang Pinoy National Cham­pionships kahapon dito sa Ramon V. Mitra Jr. Sports Complex.

Pinamunuan ni Taguinota ang Pasig City squad kasama sina Ricardo Delgado, Marcelino Picardal III at Jefferson Saburlase sa pagkopo sa gintong medalya sa boys’ 12-13 4x50 LC meter freestyle team relay sa bilis na 1:47.44 1.

Idinagdag ito ng 13-anyos na estudyante ng British International School sa mga nauna niyang pa-nalo sa 200m backstroke (2:19.88), 200m individual medley (2:22.02), 100m freestyle (57.92) at 100m backstroke (1:04.30).

Ipinoste naman ng 17-anyos na si Amaro ang bagong Batang Pinoy mark na 52.29 segundo sa boys’ 16-17 100m freestyle para ibasura ang dati niyang record na 53.29 segundo.

Isang bagong Batang Pinoy mark din ang sinira ni Fj Catherine Cruz ng Mabalacat City sa girls’ 100m backstroke sa nilangoy na 1:08.32 para tabunan ang 2023 record na1:09.15 ni Ishaelle Mae Villa ng Ge-neral Trias.

Ang iba pang naglista ng mga bagong marka ay sina Catherine Cruz ng Mabalacat City sa girls’ 16-17 200m breaststroke (2:28.71), Juan Alessandro Suarez ng Davao City sa boys’ 16-17 200m breaststroke (2:25.72) at Sealtiel Cherrie Daiz II ng Makati City sa girls’ 200m breaststroke (2:47.39).

Show comments