MANILA, Philippines — Isang laban na lang at makukumpleto na ang final four cast ng UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament.
Magkakaldagan ang Adamson University at University of the East sa knockout playoff para sa No. 4 spot ngayong alas-6:30 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Parehong tangan ng Soaring Falcons at Red Warriors ang 6-8 karta pagkatapos ng 18-game elimination round kaya naman nagkaroon sila ng playoffs.
Kinalos ng Adamson ang Ateneo de Manila University, 69-65 noong Sabado para sikwatin ang pang-anim na panalo, sakaling natalo sila ay diretso na sana ang UE sa semifinals.
Muling sasandalan ng San Marcelino-based squad sina Royce Mantua at Manu Anabo para masilo ang krusyal na panalo at umusad sa magic four.
Tumikada si Mantua 14 points habang 13 ang inambag ni Anabo.
Haharapin ng mananalo sa pagitan ng Adamson at UE ang top seeded at defending champions La Salle na may 12-2 karta habang maglalaban sa isang pares ng semis ang No. 2 UP, (11-3) at No. 2 UST, (7-7).