SACRAMENTO, Calif. — Humataw si Shai Gilgeous-Alexander ng 37 points at umiskor ang mga bench players ng Oklahoma City Thunder ng pinagsamang 40 points sa 130-109 pagrapido sa Kings.
Nag-ambag si Jalen Williams ng 28 points at may 17 markers si Isaiah Hartenstein para sa Oklahoma City (13-4).
Tumipa si DeMar DeRozan ng 30 points para sa Sacramento (8-10) na laglag sa ikaapat na dikit na kamalasan.
Mula sa 63-62 halftime lead ay kumawala ang Thunder sa third period para iwanan ang Kings sa third quarter, 97-84.
Sa Denver, nagpaputok si OG Anunoby ng career-high 40 points at naglista ang New York Knicks (10-7) ng team record-tying 45 assists sa 145-118 pagbugbog sa Nuggets (9-7).
Sa Boston, umiskor si Jayson Tatum ng 20 points at kumonekta ang nagdedepensang Celtics (15-3) ng 22 triples sa 126-94 paggiba sa Los Angeles Clippers (11-8).
Sa Charlotte, bumira si Franz Wagner ng 21 points para igiya ang Orlando Magic (12-7) sa 95-84 panalo sa Hornets (6-11).
Sa Memphis, nagtala si Ja Morant ng 22 points at 11 assists sa 123-98 pagkagat ng Grizzlies (11-7) sa Portland Trail Blazers (7-11).