Tangerines hahatawin na ang MPVA crown
MANILA, Philippines — Tangka ng Quezon na masungkit na ang titulo kontra sa Biñan Tatak Gel 1-Pacman Partylist sa Game 2 ng 2024 Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) finals sa Quezon Convention Center sa Lucena.
Nahirapan ang Tangerines sa Game 1 sa homecourt ng Volley Angels, 25-19, 23-25, 25-18, 21-25, 17-15, subalit may home fans naman ngayong masasandalan sa alas-4 ng hapon upang makumpleto na ang misyon kahit pa bagong prangkisa lang sa upstart volleyball league ni dating Senador Manny Pacquiao.
At tulad sa Game 1, muling sasandal ang No. 1 seed na Tangerines, tinalo agad sa semifinals ang No. 4 na Rizal, kay Cristy Ondangan na sumaklolo sa kanilang muntikang pagkatalo.
Humataw doon si Ondangan ng 19 puntos sa 15 hits, 2 aces at 2 tapal kabilang na ang back-to-back points sa dulo ng deciding fifth set upang makatambal si Rhea Mae Densing na kumamada ng 22 puntos.
Sa bronze medal match, wagi ang No. 4 seed Rizal St. Gerrard Charity Foundation kontra sa Bacoor, 25-21, 25-19, 25-22.
Tanging si Winnie Bedaña na may 11 puntos lang ang nakapagpasiklab para sa Bacoor na nagkasya lang sa fourth place ngayon matapos pag-reynahan ang inaugural MPVA Season.
- Latest