MIAMI -- Nagsalpak si Jimmy Butler ng season-high 33 points bukod sa 9 rebounds at 6 assists para tulungan ang Heat sa 123-118 pagsunog sa Dallas Mavericks sa overtime, 123-118.
Nagdagdag si Bam Adebayo ng 19 points at 11 rebounds para sa Miami (7-7) habang may 18, 15 at 14 markers sina Tyler Herro, Alec Burks at Pelle Larsson, ayon sa pagkakasunod.
Iniskor naman ni Kyrie Irving ang 14 sa kanyang 27 points sa fourth quarter para sa Dallas (9-8) na nagwakas ang four-game winning streak.
May 21 markers si P.J. Washington kasunod ang 20 points ni Naji Marshall at nagdagdag si Klay Thompson ng 15 point para sa Mavericks na naglaro na wala si injured Luka Doncic (sprained right wrist).
Ang dunk ni Butler sa huling 4.1 segundo sa regulation ang nagdala sa Heat sa 114-114 patungo sa overtime.
Sa Boston, umiskor si Jaylen Brown ng 29 points kasunod ang 26 markers ni Jayson Tatum para igiya ang nagdedepensang Celtics (14-3) sa 107-105 pagtakas sa Minnesota Timberwolves (8-8).
Sa Cleveland, naglista sina Donovan Mitchell at Ty Jerome ng tig-26 points sa 122-108 pagtuhog ng Cavaliers (17-1) sa Toronto Raptors (4-13).
Sa Philadelphia, naglista si James Harden ng 23 points para igiya ang Los Angeles Clippers (11-7) sa 125-99 paggupo sa 76ers (3-13).
Sa Indianapolis, bumanat si Pascal Siakam ng 22 points at may 21 markers si Tyrese Haliburton sa 115-103 panalo ng Indiana Pacers (7-10) sa Washington Wizards (2-13).