MANILA, Philippines — Gumawa ng kasaysayan si Georgia Francesca Carmina Sanchez Tan nang kumuha ng gold medal sa 18th Singapore Open Artistic Swimming Championships sa Singapore Aquatic Center.
Naglista ang US-based Filipina swimmer ng 96.6370 points para talunin si Shashani Fernando ng Sri Lanka ( 95.35.89) sa Solo Free Group C Open Seniors class.
Ang 16-anyos na tubong Bacolod City ay ginabayan ni coach ni Giella Garcia Sanchez at sinanay kasama ng Meraquas ng Irvine, California.
Nakuntento naman si Tan sa silver sa Solo Tech Group C (15-19 Juniors) at bronze sa Solo Tech Group D (Open Seniors) sa kanyang 187.4137 at 130.9950 points, ayon sa pagkakasunod.
Nagpasalamat si Tan sa suportang ibinigay ng Philippine Aquatics, Inc.
Nakatakda siyang sumabak sa SEA Age Group Championships sa Bangkok, Thailand sa Disyembre 6-8.
Makakasama ni Tan sa Philippine Team sina Antonia Lucia Rafaelle at Zoe Lim.
Bukod sa artistic swimming ipinahayag ni PAI Secretary General Batangas 1st District Congressman Eric Buhain sa isang memorandum na may petsang Nobyembre 18, 2024, ang mga listahan ng mga junior athletes na bubuo ng mga koponan para sa regular na swimming, diving, at water polo.
Ang 13-man swimming team ay bubuuin nina Ryian Zach Danzel, Reinielle Jan Mikos Trinidad, Peter Cyrus Dean, Jaydison Edrei Dacuycuy, Jamesray Mishael Ajido, at Ivo Nikolai Enot para sa boys' squad habang ang girls' team ay binubuo ni Micaela Jasmine Mojdeh , Shania Joy Baraquiel, Sophia Rose Garra, Riannah Chantelle Coleman, Maxene Hayley, Liv Abigail Florendo.
Pangungunahan ng multi-titled junior standout na si Aishel Cid Evangelista ang boys' water polo squad kasama sina Elijah Caleb De Leon, Lance Edrick Adalin, Matthew Cameron Dasig, Julian Christi Malubag, Miel Joaquin Ugahan, Kenzzie Trey Dumanglas, Niklas Joaquin De Guzman, Andrei Karl Alagban, Joaquin Federico Mirasol, Alexandre Gabriel Establicida, Dave Russel Geda, at Sean Gabriel Enero,
Ang girls squad ay binubuo nina Sofia Isabel de Guzman, Ashly Ann Addison, Alexandra Raesher Dela Paz, Josie Ann Addison, Mitzie llegunas, Julia Ysabelle Basa, Aygana Ladip, Elizha Joyze Ferrer, Grazielle faith burgos, Shinloah Yve San Diego, Judith Margarette Morrison, Cyril Ann Espongia, at Samantha Janine Balagot.
Hahataw sa diving team sina Ma. Gabrielle De Jesus, Chloe Collado,at Jana Mary Rodriguez.
“So, what we have here is a team composed of swimmers who shows their worth as serious competitors. And now it's up to try and go beyond their current worth, and we, on the other hand, continue our monitoring and evaluation of ang kanilang pag-unlad. Ito ay bahagi ng aming programa na may layuning makalikha ng susunod na pangkat ng mga tunay na pambihirang at malalaking atletang handa sa labanan,” ani Buhain.