Lakers itinumba ng Nuggets

Sinagasaan ni Nuggets guard Russell Westbrook si Grizzlies forward Jake LaRavia.

LOS ANGELES — Kumolekta si Nikola Jokic ng 34 points, 13 rebounds at 8 assists, habang may 24 markers si Michael Porter Jr. sa 127-102 panalo ng Denver Nuggets sa Lakers.

Nagdagdag si Russell Westbrook ng 14 points, 11 assists at 7 rebounds para sa Denver (9-6).

Umiskor si Austin Rea­ves ng 19 points at may 18 markers si LeBron James sa ikalawang sunod na home game lost ng Los Angeles (10-6).

Bumanat ang Nuggets ng 37 points sa third period para sa makalayo sa La­kers na nagbitbit ng six-point lead sa halftime.

Sa Milwaukee, humakot si Giannis Anteto­kounmpo ng 32 points at 11 rebounds habang may 31 markers si Damian Lillard sa 125-199 pagsuwag ng Bucks (8-9) sa Charlotte Hornets (6-10).

Sa Chicago, nagsalpak si Scotty Pippen Jr. ng career-best 30 points sa 142-131 pagpulutan ng Memphis Grizzlies (10-7) sa Bulls (7-11).

Sa San Antonio, umiskor si Victor Wembanyama ng 25 points sa pagbangon ng Spurs (9-8) mula sa 17-point third-quarter deficit para sa 104-94 pagresbak sa Golden State Warriors (12-4).

Sa Orlando, kumo­lekta si Franz Wagner ng 30 points, 9 rebounds at 8 assists sa 111-100 paggiba ng Magic (11-7) sa Detroit Pistons (7-11).

Show comments