^

PSN Palaro

Chargers may misyon sa Cool Smashers

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Chargers may misyon sa Cool Smashers
Lalabanan ng Chargers ang Cool Smashers nga­yong alas-6:30 ng gabi matapos ang bakbakan ng Petro Gazz Angels at Farm Fresh Foxies sa alas-4 ng hapon sa Candon City Arena sa Candon, Ilocos Sur.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ang pagsolo sa lide­rato ang pakay ng Akari sa pagsagupa sa nagdedepensang Creamline sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Lalabanan ng Chargers ang Cool Smashers nga­yong alas-6:30 ng gabi matapos ang bakbakan ng Petro Gazz Angels at Farm Fresh Foxies sa alas-4 ng hapon sa Candon City Arena sa Candon, Ilocos Sur.

Magkasosyo sa una­han ng team standings ang Akari, Cignal HD at PLDT Home Fibr sa magkakatulad nilang 2-0 baraha, habang may 1-0 marka ang Creamline.

Magkasunod na tinalo ng Chargers ang Galeries Tower Highrisers, 28-30, 25-15, 25-16, 25-23. at ZUS Coffee Thunderbelles, 25-14, 25-21, 19-25, 25-23.

“Every training, every game talaga, talagang tina­trabaho namin. Iyong pasensya talaga mas hinabaan po namin ngayon conference,” wika ni wing spiker Ivy Lacsina.

Sinimulan ng Cool Smashers ang kanilang title defense mula sa 25-19, 25-22, 25-16 pagwalis sa Gazz Angels tampok ang pagbabalik-aksyon ni Alyssa Valdez.

Bukod kay Lacsina, muli ring aasahan ng Akari sina Cel Domingo, Faith Nis­peros, Fifi Sharma, Grethcel Soltones at Joy Soyud.

Makakasama ni Valdez sa Creamline sina Jema Galanza, Michelle Gumabao, Bernadeth Pons, Pangs Panaga at Kyle Negrito.

PVL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with