^

PSN Palaro

Caloy inspirasyon ng mga kabataan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Caloy inspirasyon ng mga kabataan
Two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo led the “Toyota START YOUR IMPOSSIBLE Gymnastics Camp,” where he trained budding gymnasts from all over the country.
Facebook/Toyota Philippines

MANILA, Philippines — Sa kabila ng busy na schedule, nagawa pa rin ni Paris Olympics double gold medalist Carlos Edriel Yulo na maibahagi ang talento nito sa mga kabataang gymnasts na nagnanais sundan ang kanyang yapak.

Ginanap ang isang simpleng programa sa Gymnastics Association of the Philippines(GAP) gymnasium sa Intramuros, Manila kung saan nakasalamuha ni Yulo ang ilang bagitong gymnasts.

Nagbigay ng magandang mensahe si Yulo sa mga kalahok para magsilbing inspirasyon ng mga ito sa pagtupad ng kanilang pangarap.

Noon pa man, isa na sa mga ninanais ni Yulo ang maibahagi ang kanyang malalim na kasanasan at husay sa mga kabataan.

“Gusto ko pong mai-share yung mga karanasan ko sa kanila,” ani Yulo.

Nais din ni Yulo na ma-ging matatag ang mga ito dahil maraming darating na pagsubok sa daang tatahakin nito bago maabot ang minimithing tagumpay.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang kaliwa’t kanang pagsubok na pinagdaanan ni Yulo sa kanyang personal na buhay at sa pagiging atleta nito.

Ilan sa mga ibinahagi ni Yulo ang mga ginagawa nito sa kanyang training gaya ng mga simpleng stretching para masigurong nasa tamang kundisyon ito.

Nagpakita rin ng ilang teknik si Yulo sa kanyang mga routines.

CARLOS EDRIEL YULO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with