^

PSN Palaro

Record ng Cavs minantsahan ng Celtics

Pilipino Star Ngayon
Record ng Cavs minantsahan ng Celtics
Binundol ni Jayson Tatum ng Boston Celtics si Evan Mobley ng Cleveland Cavaliers para sa kanyang salaksak.
STAR/File

BOSTON — Winakasan ng nagdedepensang Cel­tics ang 15 sunod na arangkada ng Cleveland Cavaliers matapos agawin ang 120-117 panalo sa isang NBA Cup game.

Kumolekta si Jayson Ta­­tum ng 33 points, 12 rebounds at 7 assists para ban­derahan ang panalo ng Boston (12-3) sa Cleveland (15-1).

Anim pang players ang nagtapos sa double figures para sa host team.

Nagsalpak ang Celtics ng 22 three-point shots para magposte ng 21-point lead sa third period.

Nagawang makadikit ng Cavaliers sa 86-88 sa na­sabing yugto.

Pinamunuan ni Donovan Mitchell ang Cleveland sa kanyang 35 points, ha­bang naglista si Evan Mobley ng 22 markers, 11 re­bounds at 6 assists.

Sa Memphis, hinirang si Russell Westbrook bilang unang player na nagposte ng 200 triple-doubles sa kan­yang 12 points, 14 assists at 10 rebounds sa 122-110 paggupo ng Den­ver Nuggets (8-5) sa Grizzlies (8-7).

Sa San Antonio, tumipa si Keldon Johnson ng 22 points at may 20 markers si Harrison Barnes sa 110-104 pananaig ng Spurs (7-8) sa Oklahoma City Thunder (11-4).

Sa Los Angeles, nagpa­putok si Dalton Knecht ng 37 points tampok ang si­yam na triples sa 124-118 paggiba ng Lakers (10-4) sa Utah Jazz (3-11).

Sa Dallas, umiskor si Luka Doncic ng game-high 26 points sa 132-91 pag­ra­­pido ng Mavericks (8-7) sa New Orleans Pelicans (4-11).

Sa New York, bumanat si Cam Johnson ng 34 points, habang nagtala si Dennis Schroder ng 14 points at 12 assists sa 116-115 pagtakas ng Brooklyn Nets (6-9) sa Charlotte Hornets (5-9).

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with