^

PSN Palaro

Biñan humirit ng do-or-die sa Bacoor

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinahon ng Biñan Tatak Gel 1-Pacman Partylist ang 25-18, 25-18, 25-16, road win kontra second seeded Bacoor upang makahirit ng deciding Game 2 ng 2024 Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) semifinals na nilaro sa Bacoor Strike Gym sa Cavite, kahapon.

Ipinakita ng Volley A­ngeles ang kanilang tikas kahit may homecourt advantage ang Strikers na may tangan na twice-to-beat bonus.

Pinamunuan ni Erika Jin Deloria ang opensa para sa Biñan Tatak Gel 1-Pacman Partylist sa nilistang 16 points mula sa 14 hits at dalawang service aces.

Nasa Biñan ang momentum at lamang sa ho­mecourt dahil dadayuhin sila ng Bacoor sa knockout game sa Huwebes sa Alonte Sports Arena.

Haharapin ng mananalo ang No. 1 seed Quezon Tangerines sa best-of-three championship series sa volleyball league  na itinagu­yod ni dating senator at MPBL chairman Manny Pacquiao.

Tinalo ng inaugural champion, Bacoor ang Biñan ng dalawang beses sa eliminations, 25-19, 25-23, 25-20 at 20-25, 25-22, 25-16, 21-25, 15-3, kaya naman liyamado sila ng todo bago nagsimula ang paluan sa semifinals.

Pero naging matatag ang Volley Angels, determinado silang manalo upang makapalo ng bola sa championship round sa event na suportado ng  Extreme One-Stop Shop Appliances, ASICS, Mikasa at Gerflor.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with