Krusyal na panalo tangka ng UE sa UP

MANILA, Philippines — Walang ibang iniisip si Wello Lingolingo kundi ang tulungan ang University of the East na maipanalo ang kanilang huling laro sa eli­minations ng UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament upang sumampa sa semifinals.

Kailangan kalusin ng Red Warriors ang last year’s runner-up University of the Philippines sa kanilang laro sa alas-5:30 ng hapon sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan.

Tangan ang 6-7 karta, nasa pang-apat na puwesto ang UE sa team standings pero may tsansa ang Adamson University (5-8) na nasa pang-lima kaya kailangan manalo ng Recto-based squad upang masiguro ang paglaro sa Final Four.

Pakay ni Lingolingo at ng UE na tuldukan ang kanilang four-game losing skid upang hindi na dumaan sa playoff sa No. 4.

Yumuko ang Red Warriors sa Ateneo de Manila University, 67-71 noong Miyerkules ng gabi sa UST Quadricentennial Pavilion.

Panigurado na sa ma­gic four ang defending champions De La Salle University na nasa tuktok ng liderato tangan ang 12-2 record, pangalawa ang Fighting Maroons na hawak ang 10-3 card habang nasa No. 3 ang University of Sto. Tomas sakmal ang 7-7 baraha.

Show comments