BOSTON --
Tumapos si Tatum na may 24 points at 11 rebounds para sa Boston (11-3) at may 27 si Jaylen Brown.
Bagsak ang Toronto (2-12) sa pang-pitong dikit na kamalasan bagama’t nakahugot ng career-high 35 points kay Jakob Poeltl bukod sa 12 rebounds.
Nag-ambag si RJ Barrett ng 25 points at 10 rebounds.
Tabla sa 123-123 sa overtime, sinupalpal ni Neemias Queta ang layup ni Barrett sa posesyon ng Raptors na nagbalik ng bola sa Celtics sa natitirang 20.2 segundo.
Kasunod nito ang buzzer-beating triple ni Tatum.
Sa Charlotte, bumanat si LaMelo Ball ng 26 points sa 115-114 pag-eskapo ng Hornets (5-7) sa Milwaukee Bucks (4-9) at sayangin ang unang triple-double ni Giannis Antetokounmpo sa season.
Sa New Orleans, humakot si Anthony Davis ng 31 points at 14 rebounds sa 104-99 paggupo ng Los Angeles Lakers (9-4) sa Pelicans (4-10).
Sa Dallas, umiskor sina Kyrie Irving at Daniel Gafford ng tig-22 points sa 110-93 panalo ng Mavericks (6-7) sa Victor Wembanyama-less San Antonio Spurs (6-8).
Sa Sacramento, naghulog si point guard De’Aaron Fox ng 49 points para banderahan ang Kings (8-6) sa 121-117 pagpapabagsak sa Utah Jazz (3-9).