^

PSN Palaro

Davis, James itinawid ang Lakers sa panalo

Pilipino Star Ngayon
Davis, James itinawid ang Lakers sa panalo
Lumipad si Lakers star Anthony Davis sa kanyang pagdakdak kay Julian Champagnie ng Spurs.
STAR/ File

SAN ANTONIO, Philippines — Nagkuwintas si Anthony Davis ng 40 points at 12 rebounds at kumolekta si LeBron James ng triple-double na 15 points, 16 rebounds at 12 assists sa 120-115 panalo ng Los Angeles Lakers sa Spurs para sa pagbubukas ng kanilang Emirates NBA Cup title.

Ito ang career-high na ikaapat na sunod na triple-double ni James para sa Los Angeles (8-4).

Nagdagdag si Austin Reaves ng 19 points.

Humakot si 7-foot-2 Victor Wembanyama ng 28 points, 14 rebounds, 5 assists at 2 blocks sa panig ng San Antonio (6-7).

Kaagad itinayo ng Spurs ang 11-0 lead, tampok ang isang alley-oop dunk ni Wembanyama mula kay Stephon Castle bago inagaw ng Los A­ngeles ang 31-30 abante sa pagtiklop ng first period patungo sa 118-115 kalamangan sa huling 25 segundo ng fourth quarter.

Sa Cleveland, nagpaputok si Donovan Mitchell ng season-high 37 points sa 144-126 paggupo ng Cavaliers (14-0) sa Chicago Bulls (5-8).

Sa Oklahoma City, umiskor si Shai Gilgeous-Alexander ng 28 points para igiya ang Thunder (11-2) sa 99-83 pagpapalamig sa Phoenix Suns (9-4).

Sa Sacramento, nagpasabog si Anthony Edwards ng 36 points at nalampasan ng Minnesota Timberwolves (7-6) ang iniskor na franchise-record 60 points ni De’Aaron Fox sa 130-126 overtime win sa Kings (7-6).

LEBRON JAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with