Ginebra fan

Kung totoo ang hula, sa Ginebra ang bagsak ni Troy Rosario.

Ang tsika, isang bulate na lang ang dehins pumi­pirma sa paglipat ni Troy sa barangay ng bayan.

May offer ang Converge at Blackwater at ang pinanggalingan niyang TNT. Pero mukhang sa Ginebra ang punta.

‘Yun ang gusto ni Troy.

Ayon pa sa latest spin, Ginebra fan pala itong si Troy. Halos buong angkan niya, maka-Ginebra.

Well, kung ganun naman pala eh, talagang no choice. I mean, top choice niya ang Ginebra.

Free agent si Troy matapos mag-expire ang contract sa Blackwater. Free as a bird.

Mukha naman babagay si Troy sa Ginebra. Pambangga sa ilalim at source ng extra points.

I’m sure gaganahan si Troy maglaro sa Ginebra. At baka manumbalik ang dating laro ng 32-year-old.

Ang bulong, aabot daw ng P750,000 a month, including bonuses.

Sino ba naman ang dehins gaganahan?

Show comments