Creamline sisimulan ang title defense vs Petro Gazz

Creamline's Alyssa Valdez

MANILA, Philippines —  Matapos hindi makalaro sa nakaraang dalawang komperensya ay inaasahang isasalang ng nagde­depensang Creamline si­na Alyssa Valdez at Tots Carlos sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Sisimulan ng Cool Sma­shers ang pagtatanggol sa korona sa pagharap sa Petro Gazz Angels nga­yong alas-6:30 ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

“Our preparation remains unchanged. Just like in previous confe­rences, we’re focused on trai­ning camps and tune-up games,” wika ni Valdez sa Creamline.

Handa ang Petro Gazz sa pagbabalik nina Valdez at Carlos.

“Against Creamline, it’s gonna be very, very hard,” sabi ni Fil-Am star spiker Brooke Van Sickle. “We just have to come out fired up and see what kind of magic we can make work.”

Bilang preparasyon ay sumalang ang Cool Sma­shers sa practice games sa Taiwan at sa isang pickup match laban sa isang Japanese team.

Solo ng Akari ang lide­rato bitbit ang 2-0 baraha kasunod ang Petro Gazz (1-0), PLDT (1-0), Chery Tiggo (1-0), Choco Mucho (1-1), Capital (0-1), Nxled (0-1) at Galeries Tower (0-2).

Mag-uunahan ding ma­kasampa sa win column ang HD Spikers at Foxies na ipaparada si dating Cignal team captain Rachel Anne Daquis.

Show comments