James bumira uli ng triple-double vs Grizzlies
LOS ANGELES — Kumolekta si LeBron James ng 35 points, 14 assists at 12 rebounds para sa kanyang ikatlong sunod na triple-double sa 128-123 paggupo ng Lakers sa Memphis Grizzlies.
Iniskor ni Anthony Davis ang 11 sa kanyang 21 points sa fourth quarter para sa Los Angeles (7-4).
Bumanat si Jaren Jackson Jr. ng 29 points para sa Memphis (7-5) na nagtapos ang three-game winning streak.
Humabol ang Lakers mula sa 91-96 agwat sa Grizzlies sa pagtatapos ng third period bago kumamada ng isang 10-2 atake sa fourth quarter patungo sa pag-agaw sa 111-108 bentahe.
Sa Philadelphia, umiskor si Donovan Mitchell ng 23 points sa 114-106 paggiba ng Cleveland Cavaliers sa 76ers (2-9) para maging ikaanim na tropa sa NBA history na nagtala ng 13-0 season start.
Sa iba pang laro, binugbog ng Oklahoma Thunder (10-2) ang New Orleans Pelicans (3-9), 106-88, wagi ang Milwaukee Bucks (4-8) sa Detroit Pistons (5-8) sa overtime, 127-120 at hiniya ng San Antonio Spurs (6-6) ang Washington Wizards (2-8), 139-130.
- Latest