^

PSN Palaro

Top seed target ng Blazers

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bukod sa ikalawang sunod na panalo ay hangad din ng College of St. Benilde ang pagbulsa sa No. 1 spot sa Final Four ng NCAA Season 100 men’s basketball tournament.

Sasagupain ng Bla­zers ang Lyceum Pirates nga­yong alas-12 ng tanghali kasunod ang laban ng Emilio Aguinaldo College Generals at Jose Rizal Heavy Bombers sa alas-2:30 ng hapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Tabla sa itaas ng team standings ang St. Benilde at Mapua sa magkapareho nilang 14-3 baraha sa itaas ng nagdedepensang San Beda (10-7), Lyceum (9-8), EAC (8-9) at mga sibak nang Letran (8-10), Arellano (7-10), Perpetual Help (7-11), San Sebastian (5-12) at Jose Rizal (4-13).

Kung mananalo ay pormal nang makakamit ng Blazers ang top spot sa Final Four katapat ang sinuman sa Pirates at Ge­nerals.

Mahuhulog sila sa No. 2 sakaling matalo at manaig ang Cardinals sa Chiefs para sa No. 1 seat bukas sa Cuneta Astrodome sa final play date ng eliminations.

“I told them, ‘if you want to play San Beda in the semis, it’s fine with me. But you guys decide who you want to play,” ani St. Benilde coach Charles Tiu sa kanyang tropa.

Hawak ng St. Benilde at Mapua ang ‘twice--to-beat’ advantage sa semis.

Nagmula ang Blazers sa 70-62 pagdaig sa Red Lions para makabalik sa porma matapos pigilin ng Cardinals ang kanilang seven-game winning streak.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with