Heading nahugot ng Converge sa Terrafirma

Jordan Heading

MANILA, Philippines — Matutuloy na din ang paglalaro ni dating Gilas Pilipinas shooter Jordan Heading sa PBA.

Ito ay matapos mahugot ng Converge si Heading mula sa Terrafirma kapalit nina Aljun Melecio, Keith Zaldivar at isang first-round pick sa PBA Season 51.

Nauna nang pinili ng Dyip ang Fil-Aussie gunner sa PBA Season 47 Gilas Pilipinas special draft noong 2020, ngunit naglaro sa mga liga sa Japan, Taipei at Australia.

Bukod sa 6-foot-2 na si Heading, inaasahan ding maglalaro na sa FiberXers si No. 1 pick Justine Baltazar na tinapos muna ang kontrata sa Pampanga Giant Lanterns sa MPBL.

Makakasama nina Heading at Baltazar, dati ring miyembro ng Gilas Pilipinas, sa Converge sa darating na Season 49 Commissioner’s Cup sina Justin Arana, Alec Stockton at Schonny Winston.

Magbubukas ang komperensya sa Nobyembre 27 tampok ang pagdedepensa ng San Miguel sa kanilang korona.

Isasalang ng F­iberXers sa torneong walang height limit si 6-foot-8 import Cheick Diallo.

Inaasahang ibabalik ng Season 49 Governor’s Cup champions TNT Tropang Giga si two-time Best Import Rondae Hollis-Jefferson (6’6) at si Justin Brownlee (6’5) para sa Barangay Ginebra.

Ang iba pang balik-imports ay sina George King (6’6) ng Blackwater at Ricardo Ratliffe (6’9) ng Magnolia.

Show comments