Gazz Angels nagparamdam agad
MANILA, Philippines — Sa kanilang unang laro pa lamang ay nagparamdam na ng puwersa ang Petro Gazz sa 2024-25 PVL All-Filipino Conference.
Humataw si reigning PVL Most Valuable Player Brooke Van Sickle ng 34 points mula sa 28 attacks, apat na aces at dalawang blocks para igiya ang Gazz Angels sa 25-20, 26-28, 25-21, 25-16 paggiba sa Choco Mucho Flying Titans noong Sabado sa Philsports Arena sa Pasig City.
“I feel like as team we were able to learn a lot of lessons and when you’re in that position you really have to reflect and think about what happened, what needs to be done and everything,” ani Van Sickle.
Ang tinutukoy ng Fil-American spiker ay ang pagkakatalsik ng Petro Gazz sa quarterfinals ng nakaraang PVL Reinforced Conference na pinagreynahan ng Creamline.
Kumpiyansa si Van Sickle na makakapasok ang Gazz Angels sa semifinals ng All-Filipino Conference na idedepensa ng Cool Smashers.
Ngunit hindi lamang si Van Sickle ang aasahan ng Petro Gazz kundi maging sina Aiza Maizo-Pontillas at Jonah Sabete na nagdagdag ng 18 markers sa kanilang panalo sa Choco Mucho.
- Latest