Tinapos na ng Tropang GIGA

TNT's RR Pogoy.
STAR / Russell Palma

Kampeon ng Governors’ Cup

MANILA, Philippines — Hindi na binigyan ng nagdedepensang TNT Tropang Giga ng tsansa ang Barangay Ginebra na makahirit ng ‘winner-take-all’ Game Seven.

Tinapos ng Tropang Giga ang Gin Kings sa Game Six, 95-85, para pagharian ang Season 49 PBA Governors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Matagumpay na naipagtanggol ng TNT ang kanilang korona  laban sa Ginebra sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Ito ang pang-10 PBA championship ng PLDT franchise at ika-10 din ni Chot Reyes bilang head coach.

Bumandera si Best Import Rondae Hollis-Jefferson sa fourth quarter para sa 4-2 pagsibak ng Tropang Giga sa Gin Kings sa kanilang best-of-seven championship series.

Nabalewala ang pinaputok na career-high 31 points ni rookie RJ Abarrientos para sa Ginebra.

Bumangon ang Gin Kings mula sa 10-point deficit sa first period para agawin ang 68-57 bentahe sa 3:22 minuto ng third quarter.

Nakabawi ang Tropang Giga sa final canto at i­nagaw ang 94-85 kalamangan sa huling 52 segundo.

Ginawa naman ni RJ Abarrientos ang kanyang breakout game nang nagpaputok ng 18 points sa second period.

Ang drive ni Abarrientos ang nagbigay sa tropa ni coach Tim Cone ng 43-42 halftime lead.

Nauna nang inilista ng TNT ang 31-21 abante sa first quarter.

Samantala, imbes na ibulsa ay ibinigay ni Hollis-Jefferson sa charity ang kanyang cash prize sa pagkapanalo sa PBA Best Import award.

Inihayag ng TNT sa ka­nilang social media page na ibinigay ni Hollis-Jefferson ang natanggap na P50,000 sa Alagang Ka­patid  Foundation.

Show comments