MANILA, Philippines — Muling aarangkada ang Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD) 30th Defense and Sports Arms Show na magdaraos ng ikatlong edisyon sa taong ito sa Nobyembre 20-24 sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Galing ang AFAD sa matagumpay na pagdaraos ng Davao Leg kamakailan kung saan dumagsa ang mga partisipante mula sa iba’t ibang panig ng Mindanao region.
Ayon kay AFAD Spokesman Alaric ‘Aric’ Topacio, kasado na ang lahat para sa pagdaraos ng huling edisyon sa taong ito sa kabila ng nakaambang gun ban dahil sa midterm elections sa susunod na taon.
“We take this election gun ban as a challenge to overcome. Some people may think the gun ban (because of the special holidays and the coming elections) is something that could hurt us,” ani Topacio.
Iginiit ni Topacio na patuloy ang asosasyon nito sa pagpapalaganap ng responsableng paggamit ng baril.
Nakatakda ang opening ceremony sa alas-10 ng umaga kung saan imbitado si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.
Nais ni Topacio na mahigitan ang mga naunang edisyon sa taong ito kung saan ipaparada ang iba’t ibang armas na gawa ng mga Pilipino at kilalang kompanya sa buong mundo.