Edwards, T-Wolves binalikan ang Bulls

CHICAGO —  Naghulog si Anthony Edwards ng 33 points bukod sa 8 rebounds at 6 assists para sa 135-119 pagpulutan ng Minnesota Timberwolves sa Bulls.

Bumangon ang Minnesota (5-3) mula sa 13-point deficit para talunin ang Chicago (3-6).

Nagdagdag si Julius Randle ng 22 points at 10 rebounds para sa Timberwolves habang humakot si Rudy Gobert ng 21 points at 9 boards.

Bagsak sa ikaapat na dikit na kabiguan ang Bulls.

Kinuha ng Chicago ang 95-90 abante sa third quarters bago agawin ng Minnesota ang 107-106 bentahe sa 6:47 minuto ng fourth period.

Sa Milwaukee, umiskor si Damian Lillard ng 34 points at kumolekta si Giannis Antetokounmpo ng 31 points at 16 rebounds sa 123-100 pagsuwag ng Bucks (2-6) sa Utah Jazz (1-7).

Sa San Antonio, humataw sina Keldon Johnson at Malaki Branham ng tig-17 points para gabayan ang Spurs (4-5) sa 118-105 pagdaig sa Portland Trail Bla­zers (3-6).

Show comments