^

PSN Palaro

Celtics hiniya ng Warriors

Pilipino Star Ngayon
Celtics hiniya ng Warriors
Pinilit ni Stephen Curry ng Golden State Warriors na makawala sa depensa ni Jrue Holiday ng Boston Celtics.

BOSTON — Naghulog si Stephen Curry ng 27 points at may 16 markers si Buddy Hield para akayin ang Golden State Warriors sa 118-112 pagdaig sa nagdedepensang Celtics.

May 16 points din si Andrew Wiggins para sa pang-limang dikit na arangkada ng Golden State (7-1) habang ito ang ikalawang sunod na laro ni Curry matapos magkaroon ng ankle injury.

Hawak ng Warriors ang 115-112 abante, nagsalpak si Draymond Green ng free throw sa huling 11 segundo ng fourth period kasunod ang dalawang foul shots ni Kyle Anderson sa nalalabing 2.4 segundo para selyuhan ang panalo.

Sa New Orleans, bumira si Donovan Mitchell ng 29 points sa 131-122 paggupo ng Cleveland Cavaliers (9-0) sa Pelicans (3-6).

Sa Dallas, kumolekta si Luka Doncic ng 27 points at 13 assists para sa 119-99 paggulpi ng Mavericks (5-3) sa Chicago Bulls (3-5).

Sa Memphis, umiskor si Ja Morant ng 20 points bago nagkaroon ng right hamstring injury sa third period sa 131-114 panalo ng Grizzlies (5-4) sa Los Angeles Lakers (4-4).

Sa Denver, nagkuwintas si Nikola Jokic ng triple-double na 23 points, 20 rebounds at 16 assists sa 124-122 pag-eskapo ng Nuggets (5-3) sa Oklahoma City Thunder (7-1).

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with