Brownlee: Rondae deserving sa Best Import award

MANILA, Philippines — Walang ibang masabi si Barangay Ginebra import Justin Brownlee kundi deserving si TNT reinforcement Rondae Hollis-Jefferson na tanghaling Best Import sa PBA Governors’ Cup.

Saludo si Brownlee sa matikas na inilalaro ni Hollis-Jefferson kaya naman karapat-dapat ito sa naturang parangal.

Nasungkit ni Hollis-Jefferson ang kanyang ikalawang Best Import award matapos makuha ang kanyang una noong 2023 Governors’ Cup.

“Man, that’s a talented dude. He’s been playing incredibly the whole conference. It’s well-deserved,” ani Brownlee.

Magkalaban sina Brownlee at Hollis-Jefferson sa Best Import race.

Subalit sa ginanap na awarding noong Linggo, iginawad kay Hollis-Jefferson ang Best Import kasabay ng pagbigay ng Best Player of the Conference kay June Mar Fajardo ng San Miguel Beer.

“TNT, in the elimination, it only lost one game. And then in the playoffs, maybe one or two games? But they have just been playing great the whole conference, from elimination to playoffs,” ani Brownlee.

Isa si Hollis-Jefferson sa pangunahing dahilan kung bakit nasa finals ang Tropang Giga

Dahil sa husay nito, muling dinala ni Hollis-Jefferson ang TNT sa panibagong finals appearance kung saan kalaban nito ang Gin Kings.

“He’s a huge reason why they’re in the Finals. Congratulations to him. It’s well-deserved,” ani Brownlee.

Nakasentro ang atensiyon ni Brownlee para tulu­ngan ang Gin Kings na makopo ang kampeonato sa Governors’ Cup.

“I give a lot of credit to my teammates. You know, when I was open, they found me. And when I wasn’t open, they set good screens to get me open,” ani Brownlee.

Show comments