^

PSN Palaro

Chua lumangoy ng World Cup slot

Russell Cadayona - Philstar.com
Chua lumangoy ng World Cup slot
Xiandi Chua.

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) ang magandang inilangoy ng national team sa nakaraang World Aquatics-sanctioned World Cup Qualifying Series (short course) sa Singapore.

Nakabawi ang mga Filipino swimmers sa matamlay na kampanya sa Incheon, Korea Series noong nakaraang linggo sa pangunguna ni 2023 Cambodia Southeast Asian Games record-holder (200m backstroke) na si Xiandi Chua na kumuha ng karagdagang slot para sa World Cup Championships na gaganapin ngayong taon sa Budapest, Hungary sa kanyang pagpasa sa Qualifying Time Standard (B) sa naitalang 2:09.71 sa women's 200m backstroke.

“Wins like this, however small, are still important to us because it means we're capable of giving out the best shots at any opportunity. The road to success is never easy, but our swimmers are taking that road,” ani PAI secretary-general at Batangas 1st District Rep. Eric Buhain.

Nakuha ng 24-year-old senior student sa De La Salle University, na nag-aaral ng Business Entrepreneurship, ang kanyang unang QTB para sa World Cup sa oras na 4:45.41 sa 400m Individual Medley habang nangangampanya para sa Philippine Team sa 2024 Australian Short Course Swimming Championships noong Setyembre sa Adelaide, Australia.

Sinira rin ng kanyang oras ang 4:46.08 Philippine record ni Georgina Peregrina sa New Zealand National Championships noong Oktubre 5, 2018.

Ang Vietnam (2022) SEA Games gold medalist na si Chloe Isleta ay makakasama ni Chua para sa World Cup na nakatakda sa Disyembre 10-15 na may dalawang markang QTB — 1: 01.59 sa women's 100m Individual Medley at 59.80 segundo sa 100m backstroke — nakuha niya habang sumabak sa Puerto Rico International Short Course Championship noong Oktubre 20.

Bukod sa marka na QTB sa Singapore, nakapasok si Chua kasama ang 18-anyos na si Jasmine Mojdeh sa Finals sa 200m butterfly at tumapos sa ikapito at ikawalong puwesto, ayon sa pagkakasunod sa oras na 2:14.11 at 2:16.58.

Sa kabilang banda, nagposte rin sina Joshua Ang, Rian Marco Adiong Tirol, at Fil-Am Miranda Renner ng bagong Philippine record sa tatlong araw na kampanya ng Nationals na ginabayan nina Olympian Ryan Arabejo at Ramil Ilustre.

Naglista ang 20-anyos na si Ang ng 53.65 segundo sa men’s 100m butterfly; Nagawa ni Tirol ang marka sa 50m breaststroke sa oras na 27.56 segundo, habang ang 21-anyos na si Renner ay nakagawa ng bagong Philippine record sa women’s 50m butterfly na nagtala ng 26.75 segundo sa Cup series sa Incheon, South Korea.

vuukle comment

SWIMMING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with